RoCkY kiDz

Where rocky kidz meet.

Name:
Location: Philippines

Friday, March 30, 2007

Buti na Lang Daw

Ang text message na ito ay mula sa aking kaibigan...

MARE 1: Grabe na talaga ang pagkamakakalimutin ko. Kapag umaakyat ako sa hagdan, tumitigil ako sa gitna kasi nakakalimutan ko kung aakyat ako o bababa.

MARE 2: Ay naku, buti na lang di ako ganyan (sabay knock-on-wood 3 times). Excuse me lang ha, para kasing may kumatok. Silipin ko lang kung sino.

:p

Labels:

Monday, April 03, 2006

eKLat

Isang slang na salita na malalim ang kahulugan. O sige na nga, mababaw lang. Pero depende sa paggamit nito ang kahulugang magbibigay-buhay sa salitang ito. ÉKLAT.

Mahirap ibigay ang saktong kahulugan ngunit maaring ipakasingkahulugan ito sa mga salitang tangi, mahina ang pick-up, slow, utu-uto, walang alam. Mas maganda ang dating sa ingles; NAÏVE.

Iba’t-ibang sitwasyon lumilitaw ang pagiging EKLAT ng isang tao. Sa eskwela, sa bahay, sa trabaho, sa love life, sa desisyon, etc. Ako naman, sa praktikal. Tsk, tsk, tsk.

Ayoko sanang tanggapin pero may pagkakataon na nagiging EKLAT din ako. Alam ko ikaw rin.

Friday, February 24, 2006

Mga Usapang Bobo

AHAS 1: Makamandag ba tayo?
AHAS 2: Ewan. Bakit?
AHAS 3: Nakagat ko kasi dila ko kanina eh.

* * *
BOY 1: Hulaan mo pangalan ko, nagsisimula sa letter F.
BOY 2: Fred?
BOY 1: Hindi.
BOY 2: Ferdinand?
BOY 1: Hindi rin.
BOY 2: O sige, sirit na!
BOY 1: EFREN!

Tuesday, November 15, 2005

Enrich Your Vocabulary

Ang mga sumusunod ay hango sa isang SMS message (o mas kilala sa tawag na text). Hehehe:p

Beehive - (v.) magpakatino; (sentence) Magpakatino ka.
Cattle - (n.) dito nakatila ang hali at leyna.
Contemplate - (adj.) kulang ang mga pinggan.
Deposit - (n.) ang gripo.
Devastation - (n.) sakayan ng bus.
Effort - (n.) dito naglalanding ang efflane.
July - (sentence) Nagsisinungaling ka ba?
Persuading - (n.) unang kasal.
Punctuation - (n.) pera para makapag-enroll.
Shampoo - (n.) bago mag labing-isa.
Statue - (sentence) Ikaw ba yan?
Tenacious - (n.) sapatos na pang-tennis.
Tissue - (sentence) Ikaw nga!

Nawa'y nakatulong ito upang madagdagan ang ating kaalaman sa Filipino. Hehehe...

Monday, October 03, 2005

~ Hindi ka ba nagtataka? ~

Hindi ka ba nagtataka kung anong tawag sa character na ito?
~
Oo, yan nga ang tinutukoy ko... Ang guhit sa ñ at Ñ. Napag-alaman ko na ang tawag dito ay "ye". Bakit? Kasi ano bang tawag dito: N? "En" di ba? At dito: Ñ? "Enye" di ba? Eh ano bang nadagdag sa N para maging Ñ? ~ lang di ba? So, "ye" ang tawag dun sa ~ sa ibabaw ng N sa Ñ. Hehehehe.
In algebraic terms:
N + ~ = Ñ
N = En
Ñ = Enye
~ = x
En + x = Enye
En + x = En + ye
x = En + ye - En
x = ye
:p:p:p:p:p:p:p:p:p:p:p:p:p:p:p:p:p:p:p:p:p:p:p:p:p:p:p:p:p:p:p:p

Thursday, September 22, 2005

Ang Alamat ng Gagamba [The Legend of Spider]

The Untold Story

Noon, may isang batang nagngangalang Biboy. Siya ay sampung taong gulang at malimit na gawing katuwang ng kaniyang mga magulang sa mga gawaing bahay at pangkabuhayan. Ang kanilang pamilya ay may dampa malapit sa ilog at kaibayo nito ang masaganang pinagkukunan—ang pangisdaan ng mga sariwang huli. May munting pantalan sa gawing silangan ng kanilang dampa na nagsisilbing daungan ng bangka at ng mga huli nito. Madalas siyang bilinan ng kanyang ama na italing mabuti ang bangka sa pantalan, upang masiguro na hindi ito matatangay ng agos ng tubig. Dito, tahimik at kuntentong namumuhay ang pamilya ni Biboy.

Sa kabila ng pagsunod, si Biboy ay may taglay na katamaran—mabigat ang kanyang katawan at ayaw niya ng palakad-lakad. Isang pagkakataon, nagbilin na muli ang ama kay Biboy, at saka lumunsad sa gawing patag upang ipangalakal ang mga huling isda. Nagkataong abala noon ang ina sa pangangahoy kaya’t nag-aatubili si Biboy sa pagsunod. Nanghuli muna siya ng mga tutubi at isa-isa itong binalian ng pakpak habang nakahilata sa lilim ng akasya. Kaawa-awang mga tutubi. Maya-maya, natanawan niya ang tumpok ng mga gamu-gamo, nakangisi niyang binulabog ang mga ito hanggang masamid mismo ng insektong napasok sa bibig na nakanganga sa kakatawa. Magtatakip-silim na nang maalaala niyang oras na ng hapunan.

Nangingimay ang mga paa gawa ng matagal na pagkahiga, hindi makatayo si Biboy sa kinalalagyan. Narinig na niyang tumatawag ang ina. Pilit niyang iginalaw ang mga paa; ituro ang langit, ituro ang lupa. Ilang ulit niya itong ginawa hanggang mabawasan ang pamamanhid na nararamdaman.

Hindi inaasahan, biglang lumakas ang agos ng ilog. Dagli-dagling nakalag ang tali ng bangka at tuluyan nang tinangay ng tubig. Pasigaw na tumawag ang ina ni Biboy, “Biboy, ang bangka!” Sumagot ang anak, “Ina, nangingimay po ang aking dalawang paa!” Parang umakyat ang dugo sa ulo ng ina sa pagkarinig ng tugon. Walang pakundangang pinakli, “Tubuan ka sana ng maraming paa nang madali kang makaparine!” Noon din ay nawala sa paningin ng ina si Biboy at nang lapitan, may munting insektong malaki ang katawan at maraming paa ang bibitin-bitin sa punong akasya na natagpuan.

Iyan ang alamat ng gagamba; ang sinapit ni Biboy. Mabigat ang kanyang katawan, mahilig sa gamu-gamo, at malimit magpabitin-bitin na parang nag-uubos ng oras. Higit sa lahat, may mga paang higit sa dalawa, tulad ng sinabi ng kanyang ina.

Trivia: Kung puputulin mo ang isang paa ng gagamba, pigain mo ang pinakaugpungan at mamamasdan mong ituturo nito ang langit. Pakawalan mo ang pagkakapiga at ituturo naman nito ang lupa. Si Biboy nga!


~~Inspired by the Legend of PinYa XD


Saka na yung salin sa Ingles. Tinatamad ako. XP
[I’ll post the English Translation later. I feel lazy.]

Thursday, September 08, 2005

Salamat po, Doc!

Hija: Wow, ang bata-bata nyo pa rin pong tingnan, Lola.
Lola: Hu hu hu [laughs] Uy, salamat.
Hija: 'La, ano po yung parang ribbon sa may batok nyo?
Lola: Hu hu hu [laughs] Naku, tenga ko yan.
Hija: [confused] Ahh... Eh, 'La, bakit mas lumaki ho yata ang noo nyo? In fairness, halata pa rin naman ho yung baby bangs nyo, eh!
Lola: Hu hu hu [laughs] Hija, Kilay ko yun. Hu hu hu [laughs]
Hija: [more confused] Ahh... 'La, napansin ko lang, bakit po ba hindi nyo masyadong maibuka ang bibig nyo? Masyado po yatang maliit?
Lola: Hu hu hu [laughs] Ay naku, pusod ko yan!