Usapang Matanda
Matagal-tagal na rin nang mangyari ang salaysay na ito. Mas maiging bigyang-daan sa paskil ang importanteng mga detalye.
Isang hapon, ako’y matamang nakalagak sa aking silid sa itaas ng bahay. Dumating ang aking tiyo; siya’y lipas na sa kasikatan ng araw, ngayo’y naglalaro sa edad 65-69 at nangyaring namataan niya ang aking lolo na nang panahong yaon ay nasa kabilang ibayo ng sapa. Si lolo’y humigit kumulang na otsenta anyos ngunit talaga namang nasa katikasan pa ng pangangatawan; palibhasa’y batak ang katawan sa gawaing bukid.
Tiyo: Tata!
Lolo: Uy!
Tiyo: Yung ano ho eh sa kuwan na lang daw ho ano.
Lolo: Ah? Ahh, sinabi ko na ke kuwan. Sa ano na lang daw.
Tiyo: Oho. Nung kuwan eh naano ko na. Eh pano ho, sa ano na lang.
Lolo: Oo. Pagkakuwan, aanohin ko na lang rin para maano.
Tiyo: Oho.
Lolo: Sige.
Matapos ang kanilang usapan, pailing-iling kong pinag-isipan ang lalim ng mga detalyeng kanilang napag-usapan. Siguro nga yan ang tinatawag ng ‘usapang matanda’.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home